This letter shall be written in Filipino, inspired by this month, being the "Buwan ng Wika". Please excuse the grammar or spelling as I am not a fluent writer in Filipino.
Sa Aking Wika,
Pasensiya ka na, hindi kita masyadong ginagamit lalo na dito sa blog ko. Sana maintindihan mo na dahil nais kong kumita ng pera ay pinaghihirapan ko na magsulat sa Ingles at ako ay nagpapakabihasa dito. Ipagpaumanhin mo na kung minsan ay nawawalang bahala kita samantalang dapat ko nga namang mahalin ka dahil Pilipino ako at ako ay masaya dahil ako ay Pilipino.
Pasensiya na rin at ang una kong itinuro sa mga anak ko ay hindi ikaw kundi ang Ingles. Ito po kasi ang kailangan nilang maintindihan sa eskwelang kanilang pinapasukan. Ngunit, pinapangako ko na tuturuan ko rin sila ng Filipino, kakailanganin ka nilang matutunang mabuti lalo na pagdating nila ng Prep. Sa kasalukuyan, nagagalak akong ibalita na unti-unti ka na nilang ginagamit at sila ay masaya na nasasabi nila ang kanilang nais sa Ingles at sa iyo.
0 comments:
Post a Comment