Wednesday, August 11, 2010

LTINS: Write a Letter in Tagalog/Filipino



Minamahal kong mga mambabasa,

Una sa lahat, magandang araw sa inyo. Ikinagagalak ko ang muli ninyong pagsali sa aking nilikhang meme. Salamat at kayo'y muling gumawa ng inyong mga sulat na di natin maipapadala kailanman. Salamat at di pa rin kayo nawawala. Naisipan kong gamitin ang Tagalog sapagkat naalala ko na ngayon ay buwan ng Wika at minsan lang ito mangyayari sa isang taon. Kung kaya ay salamat sa inyong pag-unlak at pagsili, at kung hindi man ay inyong pagbasa at pagbisita sa aking blog. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan at hindi ko na gagawing mahaba ang aking liham dahil di ako magaling magTagalog. Salamat at sumali sana kayo sa susunod na linggo kung kailan ang susunod nating liham ay para sa ating mga pinakamatalik nating mga kaibigan.


1 comments:

ay wag mo na akong sagutin..dapat pala nagbasa muna ako bago ako nagtanong, hehehe!

 

Post a Comment

 

Copyright © Written by Mys All Rights Reserved.
Just Like Me 2 Theme created by Simply Fabulous Blogger Templates. Edited by WAHMaholic Blog Designs.